US nagpalabas ng travel advisory dahil sa sitwasyon ng COVID 19 cases sa Pilipinas
Hinihikayat ng US State Department ang kanilang mamamayan na pag-isipan at ipagpaliban ang pagbiyahe sa Pilipinas dahil sa COVID 19 pandemic.
Sa inilabas na travel advisory, binanggit na nagpalabas na ang Centers for Disease Control and Prevention ng Level 3 Travel Health Notice sa Pilipinas base sa ‘high level of COVID 19’ sa bansa.
Nabanggit din na dahilan sa abiso ang payo ng ibayong pag-iingat dahil sa mga krimen, terorismo, kidnapping at civil unrest dito sa Pilipinas.
Pinagbabawalan din ng US State Department ang kanilang mamamayan sa pagbiyahe sa Sulu at Marawi City dahil sa isyung pang-seguridad.
Bukod dito, ayon pa sa naturang abiso, kailangan din ipagpaliban kung maari ang pagbiyahe sa iba pang bahagi ng Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.