Hirit na dagdag P25B sa pagbili ng COVID 19 vaccines kailangan ipaliwanag
Hiniling ni Senator Panfilo Lacson na ipaliwanag mabuti ng mga kinauukulang opisyal ng gobyerno ang paghingi ng karagdagang P25 bilyon para ipambili ng COVID 19 vaccines.
Ayon kay Lacson ang P25 bilyon kung idagdag sa naunang inilaan na P82.b bilyon maaring makaranas ng ‘oversupply’ ng bakuna kontra COVID 19 sa bansa.
Pangamba niya maarin din mauwi sa korapsyon ang labis-labis na pondo.
“Based on the arithmetic I did, the P107.5 billion is way too much for buying the vaccines needed to achieve herd immunity – unless they know something we don’t. But the bottom line is, it is not their money, it’s the public’s. I can only hope the excess amount will not go to corruption,” sabi ng senador.
Paliwanag niya, kung ang P107.5 bilyon ay ipambibili ng Moderna vaccines, na nagkakahalaga ng P1,383 bawat dose, may 83.78 milyong doses ang mabibili.
Dagdag pa ni Lacson kung Sinovac vaccines naman ang bibilhin sa halagang P683 bawat dose, makakabili ang bansa ng 157 million doses na sobra na para sa 75 milyong Filipino na sobra para sa target ‘herd immunity’ na 70 milyon.
“Hindi sa nagbibintang tayo pero nag-iingat tayo. Pera nating lahat yan, hindi nila pera yan,” diin nito.
Aniya kung kakailanganin, kakausapin niya si Senate President Vicente Sotto III para mabuo ang Senado bilang Committee of the Whole at mabusisi nila ang husto ang pinaggamitan ng pondo para sa mga bakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.