Pagbawi ng Malakanyang sa demotion ng public nurses pinuri ni Sen. Joel Villanueva
Ikinalugod ni Senator Joel Villanueva ang pagbawi ng Malakanyang sa utos ng Department of Budget and Management na naging daan para sa demosyon at pagbaba ng suweldo ng mga pampublikong nurse.
Kasabay nito, itinutulak pa ni Villanueva na mabiyayaan naman ng karagdagang suweldo ang nurses at public healthcare workers sa kanilang mga sakrispisyo ngayon pandemya.
Paliwanag ng senador ang pinakamababang suweldo ng public nurse ay dapat P36,628 at tataas ito sa P39,650 sa Step 8 ng entry level na Salary Grade 16.
Aniya sa Salary Grade 21 ang pinakamababang suweldo ng public nurse ay P60,901 at tataas ito hanggang P67,837.
Naniniwala ang senador na maraming public nurse ang dapat na tumaas na ang suweldo base sa ‘step increases’ sa bawat salary grade ngunit aniya ang problema ay nasa mga kinauukulang ahensiya.
Bukod dito sa isyung ito, ayon kay Villanueva, nagsisilbi din balakid para tama na maipatupad ang ‘steps’ sa bawat salary grade ay ang kakulangan ng pondo.
Ito aniya naman ay taon-taon, sa tuwing tinatalakay ang pambansang pondo, ang kanyang itinutulak, partikular na ang ‘merit increases.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.