Unang bahagi ng umento sa sahod sa mga kawani ng hudikatura, inaprubahan na ng SC en banc
Matapos ang isinagawang Black Monday Protest, inaprubahan na ng Korte Suprema ang unang tranche ng taas sahod sa mga kawani ng mga hukuman.
Ang salary increase ay ipatutupad sa ilalim ng Executive Order 201 na nagtatakda ng umento sa sahod ng mga kawani ng gobyerno sa average na 27-percent.
Si Associate Justice Jose Perez ang nag-anunsyo sa naging pasya ng Supreme Court En Banc sa National Convention ng Philippine Association of Court Employees sa Lungsod ng Baguio.
Pero wala pang detalye kung magkano ang unang bahagi ng salary increase na inaprubahan ng mga mahistrado ng Kataas taasang Hukuman.
Noong Lunes, nagsagawa ng Black Monday Protest ang mga kawani ng Korte Suprema, Court of Appeals at Sandiganbayan sa kanilang flag ceremony para kalampagin ang SC En Banc sa umano’y naantala nilang umento sa sahod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.