PNP humingi ng tulong sa publiko sa ipapatupad na liquor ban sa eleksyon

By Ruel Perez April 20, 2016 - 04:50 PM

liquor-ban1Nanawagan ng tulong sa publiko ang Philippine National Police (PNP) para sa pagpapatupad ng dalawang araw na liquor ban sa darating na halalan.

Ayon kay PNP Spokesperson C/Supt. Wilben Mayor, maaaring kunan ng litrato ang mga lalabag sa liquor ban na ipatutupad mula bisperas ng eleksyon (May 8) hanggang sa mismong araw ng eleksyon (May 9).

Mas maganda rin aniya na i-post sa social media ang mga makukunan na litrato at ipadala sa account ng PNP para magawan ng kaukulang aksyon.

Paalala ng pambansang pulisya sa mga mahilig tumoma, bawal ang mag inuman sa kalsada o kahit saang pampublikong lugar at bawal din ang bumili at magbenta ng anumang alak sa panahon ng liquor ban.

Sinabi rin ni Mayor na, lalong hindi papayagan na magpunta sa lugar ng botohan ang mga nakainom ng alak.

TAGS: Election liquor ban, Election liquor ban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.