Pagpasok ng imported rice pinababantayan sa Bureau of Customs para sa tamang koleksyon ng buwis
Ipinag-utos ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa Bureau of Customs ang mas mahigpit na pagbabantay sa pagpasok ng mga imported na bigas para matiyak na tama ang makokolektanhg buwis.
Kasabay ito ng pagpapalabas ni Pangulong Duterte ng Executive Order 135 noong mayo 15 para sa pansamantalang pagbabago sa taripa ng mga inaangkat na bigas para maibsan ang pagtaas ng presyo ng bigas mula sa ibang bansa.
Sa utos ng Malakanyang magagawa ng Pilipinas na mag-angkat ng bigas sa iba pang bansa para mapanatili ang stable na suplay ng bigas at mapanatili itong abot-kaya ng mga Filipino konsyumer.
Ayon kay Dominguez bukod sa Thailand, Vietnam at Myanmar, maari nang makapag-angkat ang Pilipinas sa ibang bansa na mas mababa ang halaga ng butil.
Sinabi pa ng dating kalihim ng Department of Agriculture maaring mag-angkat ang bansa sa India, kung saan mas mura ang bigas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.