Pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa asahan na dulot ng Habagat at ITCZ

By Erwin Aguilon June 06, 2021 - 07:33 AM

DOST PAGASA Facebook photo

Apektado ng Southwest Monsoon o Habagat ang ilang bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA, magdadala ito ng pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Northern Luzon at sa western section ng Southern at Central Luzon.

Ang Ilocos Region at ang mga lalawigan ng Batanes, Apayao, Cagayan at Zambales ay makararanas ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dulot ng Habagat.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luson dala ng Habagat at localized thunderstorm.

Ang Visayas at Mindanao gayundin ang mga lalawigan ng Romblon at Masbate ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm.

Sabi ng weather bureau, posible ang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar kapag nagkaroon ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Ang araw ay sumikat dakong 5:26 ng umaga at inaasahang lulubog mamayang 6:24 ng gabi.

 

 

TAGS: habagat, ITCZ, Pagasa, tag-ulan, weather update, habagat, ITCZ, Pagasa, tag-ulan, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.