Tag-ulan o rainy season, idineklara na ng PAGASA
Pormal nang idineklara ng PAGASA ang panahon ng tag-ulan o rainy season sa bansa.
Base sa inilabas na pahayag, sinabi ng weather bureau na pumasok na ang panahon ng tag-ulan kasunod ng pagdaan ng Bagyong Dante at naranasang malawakang pag-ulan sa nakalipas na limang araw.
Sinabi ng weather bureau na patuloy na mararanasan ang intermittent rains bunsod ng Southwest Monsoon sa Metro Manila at Kanlurang bahagi ng bansa.
Mataas din ang posibilidad na umiral ang “above normal rainfall conditions” sa susunod na dalawang buwan o hanggang Hulyo.
Tiniyak ng PAGASA na patuloy nilang tututukan ang lagay ng panahon.
Inabisuhan din ang publiko at mga ahensya ng gobyerno na magsagawa ng precautionary measures laban sa maaring epekto ng rainy season.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.