VP Robredo, bukas sa pagsali sa 2022 presidential race

By Jan Escosio June 04, 2021 - 02:51 PM

Photo grab from VP Leni Robredo’s Facebook video

Wala pang pinal na plano si Vice President Leni Robredo para sa 2022 elections.

Sa kanyang Facebook post, muling sinabi ni Robredo na hindi pa siya nagdedesisyon sa pagtakbo sa pagka-gobernador ng Camarines Sur.

Sinabi din niya na bukas din siya na sumabak sa presidential derby sa eleksyon sa susunod na taon.

“Sa gitna ng maraming haka haka, uulitin ko lang ang ilang beses ko na ring sinabi: Wala pang desisyon na ako’y tatakbong gobernador. Nananatili akong bukas na maging kandidato sa pagka Pangulo,” ang post ni Robredo.

Nangako din siya na pagdating ng tamang panahon ay magdedesisyon din siya.

Aniya, marami lang kailangang ikonsidera sa kanyang mga plano.

TAGS: 2022 elections, 2022 presidential race, Inquirer News, Radyo Inquirer news, VP Leni Robredo, 2022 elections, 2022 presidential race, Inquirer News, Radyo Inquirer news, VP Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.