Bilang ng nasawi dahil sa Bagyong #DantePH, nadagdagan pa; 7 nawawala
Nadagdagan ang bilang ng nasawi bunsod pananalasa ng Bagyong Dante, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sinabi ng NDRRMC na nasa apat katao na ang nasawi, pito ang nawawala habang dalawa ang sugatan sa bahagi ng MIMAROPA, Regions 6, 8, 11 at 12.
Sa Region 12 at BARMM, may naitalang dalawang insidente ng landslide, anim na pagbaha, isang river swelling, isang river scour, at isang flashflood at soil erosion.
Aabot naman sa 9,831 pamilya o 45,456 indibiduwal ang apektado sa 89 barangay sa Regions 11 at 12 at Caraga.
Sa nasabing bilang, 3,090 pamilya o 12,071 katao ang pansamantalang nakatira sa 104 evacuation centers.
Samantala, 11 road sections at tatlong tulay ang naapektuhan ng bagyo sa bahagi ng Regions 7, 8, 11, 12 at Caraga. Sa ngayon, hindi pa maaaring daanan ng mga motorista ang dalawang kalsada at tatlong tulay sa Regions 7, 11 at 12.
May 11 probinsya naman sa MIMAROPA, Region 5, 6, 8 at Caraga ang nakaranas ng power interruption dahil sa bagyo.
Sinabi pa ng NDRRMC na anim na bahay ang napaulat na nasawi sa Region 11 kung saan tatlo ang totally damaged habang tatlo ang partially damaged.
Ayon sa PAGASA, mananatili sa tropical storm category ang bagyo sa susunod na 12 oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.