Luzon brownouts, Red Alert sa power supply iimbestigahan na sa Senado

By Jan Escosio June 03, 2021 - 11:22 AM

Pinagulong na ni Senator Sherwin Gatchalian ang bola para maimbestigahan sa Senado ang kakapusan ng suplay ng kuryente sa Luzon.

 

Sinabi ni Gatchalian layon ng pagdinig  na isasagawa ng pinamumunuan niyang Committee on Energy na magkaroon na ng pangmatagalang solusyon sa nararanasan taon-taon na brownout sa tuwing panahon ng tag-init.

 

“This is a critical situation and I would like to request the Department of Energy to get all hands on deck especially in the next coming days because from the forecast that I am seeing, there will be problem of load dropping in the next eight days,” sabi ni Gatchalian.

 

Nabanggit nito na 339,000 kabahayan sa 90 barangay sa 16 lungsod at bayan ang nawalan ng suplay ng kuryente noong nakaraang Martes.

 

Sa paghahain niya ng Senate Resolution No. 740, iginiit ni Gatchalian na napakahalaga na matiyak ng DOE na sapat, dekalidad at mura ang suplay ng kuryente sa bansa.

 

Dapat aniya na magpaliwanag ang kagawaran sa kabiguan na masolusyonan ang power shortages simula noon pang 2016.

 

Binalikan muli ni Gatchalian ang pagtitiyak ng DOE sa pagdinig ng kanyang komite noong Abril 27 na hindi kakapusin ang suplay ng kuryente sa summer season.

 

Ngunit aniya ilang araw na nagtaas ng ‘red alert status’ ang National Grid Corp. of the Philippines dahil sa kulang ang suplay ng kuryente at mataas ang pangangailangan dahil sa mainit na panahon.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.