Agam-agam tungkol sa dengue vaccine, pinawi ng Palasyo

By Kathleen Betina Aenlle April 20, 2016 - 04:27 AM

 

Tiniyak ng Palasyo sa publiko na ligtas at mabisa ang ginagamit na dengue vaccine ng Department of Health (DOH), at itinuturok sa mga batang mag-aaral sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ginawa ito ng Malacañang upang mapawi ang agam-agam ng mga tao kasunod ng mga batikos na lumalabas laban sa Dengue Vaccination Program ng DOH.

Iginiit ni Presidential Communications Sec. Herminio Coloma Jr. na pasado sa lahat ng mga pamantayan ang ginagamit na bakuna ng DOH ngayon, kaya naman ito ay ligtas at mabisa.

Ani pa Coloma, kaya ito ipinatupad ng DOH ay para mabawasan na ang mga banta sa kalusugan dulot ng dengue, lalo na sa mga lugar kung saan may pinakamaraming kaso ang naitala.

Una na ring tiniyak ng World Health Organization (WHO) na ang bakunang ginagamit ng DOH ay sumusunod sa kanilang rekomendasyon.

Magugunitang sinimulan na ng DOH ang pagbibigay ng libreng bakuna sa mga Grade 4 students sa mga pampublikong paaralan sa mga lugar na may pinakamataas na kaso ng dengue.

Umani ito ng batikos noon dahil kinwestyon ng ilang doktor ang pagpapatupad nito kahit na wala pang rekomendasyon ang WHO, pero iginiit naman ng organisasyon na maari na itong gamitin kahit wala pa silang inilalabas na rekomendasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.