MMDA tiniyak na gumagana ang lahat ng pumping stations, handa na sa pagbaha sa Metro Manila
Sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan, binisita na ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang lahat ng pumping stations sa Metro Manila kabilang na ang pinakamalaki at pinakaluma, ang Tripa de Gallina sa Pasay City.
Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos na kasama rin sa ininspeksyon ang revetment wall sa Provident Village sa Marikina City.
Ginawa ang hakbang para matiyak na hindi papalpak ang mga pumping station sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan, na maaring magdulot ng mga pagbaha.
Kasama din aniya sa paghahanda ang regular na paglilinis at pag-alis ng burak sa mga daluyan ng tubig.
Nabanggit din ni Abalos ang balak nilang maglagay ng garbage nets sa mga ilog at daluyan ng tubig para hindi umabot ang mga basura sa pumping stations.
Kasabay nito ang kanyang apela ukol sa tamang pagtatapon ng mga basura para hindi na makadagdag pa sa mga sanhi ng pagbaha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.