Sen. Win Gatchalian pinagpapaliwanag ang DOE sa yellow at red alert sa suplay ng kuryente

By Jan Escosio June 01, 2021 - 08:36 AM

Nais ni Senator Sherwin “Win” Gatchalian na ipaliwanag ng Department of Energy (DOE) ang pagtaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng yellow at red alert sa sitwasyon ng suplay ng kuryente sa Luzon.

Ipinagdiinan ni Gatchalian na sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Energy, tiniyak sa kanya ng DOE na wala silang nakikitang dahilan para magkulang ang suplay ng kuryente ngayon panahon ng tag-init.

Bago ito, sinabi ng senador na hindi dapat magkaroon ng power interruption dahil kinakailangan ng mga storage facilities ng COVID 19 vaccines ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente.

Pagdidiin niya ang matagal na pagbabago sa temperatura sa mga bakuna ay maaring magresulta sa pagkasira ng mga ito at masayang lang.

“Any prolonged power outage could cause its spoilage, a situation that we should avoid at all cost given the continuous rise in the number of new COVID-19 cases,” paalala ni Gatchalian sa mga taga-DOE.

Ayon kay Gatchalian pinatiyak niya sa DOE na walang magiging aberya sa suplay ng kuryente dahil batid niya na kapag panahon ng tag-init ay mataas ang demand sa kuryente at sumunod dito ang paninigurado sa kanya na wala silang nakikitang magiging problema.

TAGS: COVID-19, Kuryente, ngcp, red alert, Sherwin Gatchalian, vaccines, COVID-19, Kuryente, ngcp, red alert, Sherwin Gatchalian, vaccines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.