Maaring higit pa sa target ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang maitalang inflation rate ng nakaraang buwan.
Ipinalagay ng Department of Economic Research ng BSP sa 4.4 hanggang 4.8 percent ang May inflation rate, na mas mataas pa sa naitala noong buwan ng Abril.
Itinuturo ang pagtaas ng presyo ng mga produktong-petrolyo at kuryente sa maaring mas mataas na inflation rate.
Umaasa naman na ang BSP na maglalaro pa rin sa 2-4 percent ang inflation rate na siya naman target ngayon taon.
Nagsimulang tumaas ang inflation rate noong Pebrero nang magkaroon ng seryosong problema sa suplay ng karne ng baboy dahil sa African swine fever (ASF).
Isa pa rin sa maaring maging dahilan ng mataas na inflation rate noong nakaraang buwan ang mataas pa rin na halaga ng mga karne, samantalang sa naging paggalaw naman ng presyo ng mga produktong-petrolyo mas lamang ang naging pagtaaas.
Naging pambawi naman noong nakaraang buwan ang mas murang halaga ng mga gulay, bigas at isda dahil sa gumandang suplay, gayundin ang malakas na halaga ng pera ng bansa laban sa US dollar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.