BREAKING: Bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, higit 1.23-M na
Mahigit 6,600 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (May 31), pumalo na sa 1,230,301 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 54,290 o 4.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 6,684 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
93.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.2 porsyento ang asymptomatic; 1.28 porsyento ang moderate; 1.8 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 107 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 20,966 o 1.70 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 6,098 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,155,045 o 93.9 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.