116 pang pulis, tinamaan ng COVID-19; Isa pang pulis, nasawi
Nasa 116 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (May 31) 23,983 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 1,850 ang aktibo pang kaso.
73 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 22,067 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Isa naman ang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Iniulat ni PNP Chief Guillermo Eleazar na isang 52-anyos na pulis na nakatalaga sa Zamboanga City ang pumanaw.
Bunsod nito. 66 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.