Sen. Bong Go bukas, pero duda na may oras pa para sa ‘economic Cha Cha’

By Jan Escosio May 31, 2021 - 11:40 AM

Suportado ni Senator Christopher Go ang mga hakbang na amyendahan ang ‘economic provisions’ ng 1987 Constitution.

Katuwiran ni Go ang kanyang pagsuporta ay nakadepende kung ang pag-amyenda ay makakatulong sa taumbayan at mas makakatugon ang bansa sa mga darating na krisis.

“Iba ang sitwasyon ngayon. Talagang hirap ang ekonomiya dahil nasa pandemya tayo. Kung may babaguhin sa economic provisions, open ako. Para naman ito sa pag-eencourage ng mga foreign investors at pagkakaroon ng job opportunities. Kailangang bumangon ang ekonomiya dahil iba na ang sitwasyon natin sa new normal,” katuwiran ni Go.

Ngunit inamin na rin ng senador na maaring wala ng sapat na oras para sa Charter change dahil hanggang ngayon linggo na lang ang sesyon ng Kongreso.

Dagdag pa niya ang prayoridad din ngayon ng gobyerno ay ang pagtugon sa pandemya dulot ng COVID 19.

Pagdidiin niya ibang usapan na kung gagalawin din sa isinusulong na Charter change ang political provisions ng Saligang Batas.

“Pero hindi ako suportado dito kung ang makikinabang lang ang pulitiko. Hindi ako papayag. Doon lang tayo sa kung ano ang makakatulong sa mga kababayan natin, lalong-lalo na ang mga mahihirap,” pagdidiin pa ng senador.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.