SSS contribution hike suspension bahala na si Pangulong Duterte – Sen. Joel Villanueva

By Jan Escosio May 31, 2021 - 09:52 AM

Pinuri ni Senator Joel Villanueva ang Malakanyang sa pagsasabatas ng panukala na nagbibigay kapangyarihan sa pangulo ng bansa na suspindihin ang pagtaas ng kontribusyon sa Social Security System (SSS).

Ngunit ayon kay Villanueva kailangan ay ipag-utos muna ni Pangulong Duterte ang suspension bago ito ganap na mapapakinabangan ng mga manggagawa.

“The fate of the law is now on his hands. It will not automatically take effect. It is up to the President to exercise that prerogative,” sabi ni Villanueva, ang nag-akda ng panukala sa Senado.

Paliwanag niya sa ilalim ng RA No. 11548, ang Pangulo, base na rin sa rekomendasyon ng Social Security Commission ay may kapangyarihan na suspindihin ang isang porsiyentong dagdag sa SSS membership contribution na naging epektibo noong nakaraang Enero 31.

Naniniwala naman si Villanueva na kahit hindi matuloy ang karagdagang kontribusyon ay hindi maapektuhan ang pondo ng SSS.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.