Bagyong Dante mas lumakas pero posibleng hindi mag-‘landfall’
Mula sa pagiging tropical depression ang bagyong Dante ay isa na itong tropical storm kaninang madaling araw, ayon sa update mula sa PAGASA.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa distansiyang 625 kilometro silangan ng Davao City alas-4 ng madaling araw.
Ito ay kumikilos sa direksyong hilaga-hilagang kanluran taglay ang lakas ng ng hangin na 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 80 kilometro kada oras.
Maliit pa rin ang posibilidad na tumama sa kalupaan ang ika-apat na bagyo na pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayon taon.
Ngayon araw ay magdudulot ng pag-ulan ang bagyong Dante sa Caraga at Davao Regions, maging sa SOCCSKSARGEN, Bukidnon at Misamis Oriental.
Nagbabala na ang PAGASA sa pagkakaroon ng flashfloods at landslides sa mga uulanin na lugar.
Inaasahan na lalo pang lalakas ang bagyo sa susunod na dalawang araw bago ito hihina sa pananatili nito sa Philippine Sea hanggang sa araw ng Biyernes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.