Pagbibigay ng cash aid sa mga magsasaka sinuportahan ni Sen. Francis Pangilinan
Pinuri ni Senator Francis Pangilinan ang hakbang sa Mababang Kapulungan na mabigyan ng cash aid ang mga magsasaka na walang isang ektraya ang lupang sinasaka.
“We laud House Committees on Appropriations and Food and Agriculture for their approval of House Bill 8964 authorizing the Department of Agriculture to use its annual rice tariff revenues in excess of 10 billion pesos ‘for the direct provision of cash assistance to farmers,’” sabi ni Pangilinan.
Ayon kay Pangilinan, kailangan lang madaliin ang pagbibigay ng tulong pinansyal dahil hirap na hirap na ang mga magsasaka bunga na rin pandemya.
Magugunita na si Pangilinan ang nanawagan noong 2019 para masuri ang Rice Tarrification Law, partikular na ang paggamit ng P10-billion Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF).
“Tama itong pinasang bill sa House. Maiibsan nito ang tindi ng pinagdadaanan ng ating mga magpapalay sa kabila ng pagbaba ng presyo ng palay at ng pandemya,” dagdag pa ng senador.
Noong nakaraang Disyembre, lumusot na sa Senado ang katulad na panukala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.