Commit to Quit: Nagkakaisang Pilipino para sa NO Yosi

By Chona Yu May 29, 2021 - 05:20 PM

Hinihimok ng grupong Aktibong Kilusan Tungo sa Iisang Bayan (AKTIB) ang publiko na iwasan na ang paninigarilyo.

Ayon kay Ka Ernesto Ofracio, presidente ng AKTIB, lason sa katawan ng tao ang sigarilyo.

Maraming sakit aniya ang dulot ng paninigarilyo lalo na ngayong panahon ng pandemya dahil mas matindi ang tama ng virus sa katawan.

“Mamamatay ka sa paninigarilyo na walang kaakibat na responsibilidad ang industry ng tabako na nagbebenta ng masamang produktong ito,” pahayag ni Ofracio.

Sa Mayo 31, gugunitain ang World No Tobacco Day.

“Ang panawagan natin ay Commit to Quit: Nagkakaisang Pilipino para sa NO Yosi!” pahayag ni Ofracio.

Magsasagawa aniya ng programa ang kanilang hanay katuwang ang Department of Health (DoH), Department of Education (DepEd), at iba pang ahensya ng pamahalaan, iba’t ibang barangay, civil society organizations at peoples’ organization sa ilalim ng Philippine Smoke-Free Movement (PSFM) para isulong ang awareness ng masamang epekto ng paninigarilyo.

Bumalangkas din aniya ng programa ang Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM), AKTIB, PUP SPEAK, Sustainable Development Network Solutions (SDSN-Youth), ImagineLaw, at iba pa para linawin ang konsepto ng smoke-free at ang masamang epekto ng sigarilyo at iba pang produktong tabako sa ating kalusugan at kapaligiran.

Matatandaang nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 26 na nagbabawal ng paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar at sasakyan.

Humihirit din ang grupo na isabatas ang Smoke-Free Act sa lal0ng madaling panahon.

Ayon kay Ofracio, nag-iikot ngayon ang SWP at AKTIB sa iba’t ibang barangay at komunidad upang hikayatin ang mamamayan na itigil ang paninigarilyo at proteksyunan ang mga kabataan at pamayanan, nagtatayo ng mga smoke-free homes, smoke-free communities, at smoke-free barangays.

Mapapanood aniya ang kanilang aktibidad na World No Tobacco Day sa Mayo 31 sa Facebook live ng DOH, Department of Education, at Philippine Smoke-Free Movement.

 

 

TAGS: Aktibong Kilusan Tungo sa Iisang Bayan (AKTIB), Ernesto Ofracio, NO Yosi, world no tobacco day, Aktibong Kilusan Tungo sa Iisang Bayan (AKTIB), Ernesto Ofracio, NO Yosi, world no tobacco day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.