Pagbabakuna sa Chinese nationals sa Pasay City, walang nilabag na IATF resolutions
Walang nalabag na government protocols nang bakunahan kontra COVID-19 ang ilang Chinese nationals sa Pasay City kamakailan.
Sa Laging Handa Public Briefing sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, base kasi sa impormasyon ng lokal na pamahalaan ng Pasay City, permanent residents ang mga Chinese nationals sa lugar.
Malinaw aniya na nakasaad sa Inter-Agency Task Force resolutions na kung isang permanent resident ang isang dayuhan sa Pilipinas, hindi dapat na ituring na iba sa mga Filipino nationals ang mga ito.
Ibig sabihan, kailangan aniyang bakunahan ang isang dayuhan dahil makakasalamuha niya rin ang mga Filipino.
Una rito, sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na ang mga nabakunahang Chinese nationals ay kasama sa A2 priority list o ang mga senior citizen at A3 priority list o ang may mga comorbidities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.