Ibang internet service companies hiniling na magbigay serbisyo sa ilang subdibisyon sa Bacoor City
Muling umapila ang mga residente ng Cerritos Heights sa Bacoor City, Cavite na payagan nang makapagbigay serbisyo sa kanila ang ibang internet service providers (ISPs).
Idinaan ang apila sa Cerritos Heights Homewoners Asso. Inc. (CHHAI) sa katuwiran pa rin na tanging ang Planet Cable lamang na pag-aari din ng developer, ang fixed internet provider sa kanilang subdibisyon maging sa Cerritos Terraces at Cerritos Hills.
Ginawa ang panawagan nang harangin at pigilan ng mga guwardiya ng developer ang mga tauhan ng Globe Telecom na makapaglagay na ng linya sa subdibisyon noong nakaraang Martes.
“This week, a team of armed guards allegedly sent by Camella’s subsidiary practically shooed the Globe contractors away, telling them that they need a permit from Camella before they could proceed,” pahayag ni Toteng Tanglao, ang presidente ng CHHAI.
Aniya, pinagsabihan ng mga guwardiya ang mga taga-Globe na hindi nila kinikilala ang sulat mula sa asosasyon ng mga residente dahil ang kailangan na permiso ay mula sa developer.
Ngunit pagdidiin ng mga residente, lubos nilang kailangan ang maaasahan na internet connection ngayon may pandemya at para sa kanilang work from home, gayundin sa online classes ng kanilang mga anak.
“We wish to assert our right to enjoy the benefits of competition, especially in getting the best possible internet provider. The need for reliable connectivity is even more pronounced today, especially as the uncertainty over the COVID-19 pandemic is forcing everyone to adapt to the new normal. This means work-from-home is no longer an option but a requirement in order to keep jobs. Students will also transition to online learning because this is now part of the Philippine education system,” pagbibigay-diin ng mga residente.
Una nang hiniling ng CHHAI sa Philippine Competition Commission (PCC) na aksiyonan ang monopolyo ng Planet Cable sa kanilang pamayanan.
Naghain na rin ng petisyon ang grupo upang payagang makapasok ang ibang internet service providers sa lugar at magkaroon ng ‘back up’ internet sakaling mawalan ng koneksiyon ang Planet Cable.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.