Dalawa pang Malasakit Center ang binuksan sa Maynila.
Ayon kay Senador Bong Go, binuksan ang ika-115 na Malasakit Center sa Doctor Jose Fabella Memorial Hospital sa Manila City habang nasa Jose R. Reyes Memorial Medical Center ang ika-116 na Malasakit Center.
Ayon kay Go, mahalaga na magkaroon ng access sa health care ang bawat Filipino lalo na ang mga mahihirap ngayong may pandemya sa COVID-19.
Bilang chairman ng Senate committee on Health, naniniwala si Go na hindi dapat na maantala ang pagpapa-ospital ng mga mahihirap dahil sa kawalan ng pangbayad.
“Noong unang panahon, kailangan pang pumipila ng mga pasyente sa city hall at sa opisina ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno para makahingi ng tulong. Ubos na pamasahe, ubos pa ang panahon nila. Sabi ko, bakit ba natin pinapahirapan ang kapwa nating Filipino? Eh pera niyo naman ‘yan. Dapat ibalik natin ‘yan sa mabilis at maayos na serbisyo,” pahayag ni Go.
“Ngayon, naisabatas na natin ang Malasakit Center. Nasa loob na ng ospital ang mga ahensya na tutulong para maging zero balance ang billing ng mga pasyente. Para ito sa mga poor at indigent na pasyente para wala na silang babayaran,” dagdag ng Senador.
Ang Malasakit Center ay one-stop shop para sa medical assistance programs na iniaalok ng national government katuwang ang Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation, at Philippine Charity Sweepstakes Office.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.