50,000 doses ng Sputnik V COVID-19 vaccine darating sa bansa sa Mayo 30
Limampung libong doses pa ng bakuna kontra COVID-19 nagawa ng Sputnik V mula sa Russia ang darating sa bansa bukas, Mayo 30.
Ayon sa pahayag ng National Task Force Against COVID-19, darating ang mga bakuna sakay ng Qatar Airways.
Inaasahang darating ang mga bakuna ng 11:00 ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.
Agad na dadalhin ang mga bakuna sa Pharmaserv Warehouse sa Marikina City bago ipamahagi sa iba’t-ibang lugar.
Ito na ang ikatlong batch ng Sputnik V na darating sa bansa.
Mayo 1 unang dumating ang 15,000 doses at sinundan noong Mayo 12 ng 15,000 doses.
Sa ngayon, nasa 8 milyong doses na ng bakuna ang nakukuha ng Pilipinas kung saan 5 milyon dito ay gawa ng Sinovac ng China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.