Lalaki hinuli sa hindi pagsusuot ng mask, nakumpiskahan ng P1-M halaga ng shabu sa Taguig City
Dahil sa hindi pagsuot ng simpleng health protocol, nahaharap sa mabigat na kaparusahan ang isang 34-anyos na lalaki sa Taguig City.
Sinabi ni Police Col. Celso Rodriguez, ang hepe ng pulisya ng Taguig City, 2:00, Biyernes ng hapon (May 28), sinita si Narex Diocolano, ng Maharlika Village, sa lungsod.
Naglalakad sa Guevarra Street sa Barangay New Lower Bicutan nang mapansin ng mga nagpapatrulyang pulis na walang suot na mask si Diocolano.
Nang sitahin ay bigla na lang tumakbo ang suspek at sa kanyang pagtakbo ay nahulog sa kanya ang isang plastic na supot.
Naabutan naman ng mga pulis si Diocolano at nang buksan ang plastic bag ay naglalaman pa ito ng limang plastic sachets na may hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1 milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.