DPWH magsasagawa ng road repair sa EDSA, C5

By Angellic Jordan May 28, 2021 - 06:15 PM

Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) road maintenance works sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) at Circumferential Road 5 (C-5) sa Quezon City ngayong weekend.

Magsisimula ang road repair sa 11:00, Biyernes ng gabi (May 28).

Base sa ulat ni DPWH – National Capital Region (NCR) Director Eric Ayapana, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na isasagawa ang aktibidad sa bahagi ng northbound direction ng EDSA, malapit sa corner Kaingin Road.

Reblocking activities naman ang gagawin sa northbound section ng C-5 Road simula pagkatapos ng C.P. Garcia, ikatlong lane mula sa sidewalk; matapos ang Rajah Matanda, ikatlong lane mula sa sidewalk; at pagkatapos ng Highland Drive, ikalawang lane mula sa sidewalk.

Sa ilalim ng implementasyon ng DPWH Quezon City 2nd District Engineering Office, binigyan ng clearance ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang road repair works.

Inabisuhan naman ang mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.

Muling bubuksan ang mga apektadong kalsada sa 5:00, Lunes ng madaling-araw, May 31.

TAGS: Build Build Build program, DPWH, DPWH road repair, Inquirer News, Konkreto2022, Mark Villar, Radyo Inquirer news, Build Build Build program, DPWH, DPWH road repair, Inquirer News, Konkreto2022, Mark Villar, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.