PSG, hindi pa ibinabalik ang 1,000 doses ng Sinopharm vaccine sa China
Hindi pa ibinabalik ng Presidential Security Group (PSG) ang 1,000 doses ng Sinopharm na donasyon ng China sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, maaring hindi na rin ito ibalik ng PSG sa China.
Paliwanag ni Roque, nagpahayag na kasi si Food and Drug Administration (FDA) director general Eric Domingo na maaring magpalabas na ang kanilang hanay ng emergency use authorization (EUA) para sa Sinopharm.
Isinama na rin aniya ng World Health Organization (WHO) ang Sinopharm sa listahan na mayroong EUA.
Nag-apply na rin kasi aniya ang Department of Health (DOH) ng EUA para sa Sinopharm.
Kapag nakakuha na aniya ng EUA ang Sinopharm, maaring hindi na ibalik ng PSG ang naturang mga bakuna.
Matatandaang ipinababalik ni Pangulong Duterte sa China ang Sinopharm dahil sa kawalan ng EUA.
Sinopharm ang ginamit na bakuna ni Pangulong Duterte at sa mga miyembro ng PSG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.