Listahan ng major political parties at major local parties, inilabas ng COMELEC

By Kathleen Betina Aenlle April 19, 2016 - 04:28 AM

 

Inquirer file photo

Base sa Resolution No. 10094 ng Commission on Elections (COMELEC), tinukoy na ng poll body ang walong major political parties at anim na major local parties para sa darating na halalan sa Mayo.

Ang walong major political parties na binanggit ng COMELEC at Nacionalista Party (NP), Nationalist People’s Coalition (NPC), Partido Demokratiko-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), Kilusang Bagong Lipunan (KBL), Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP), Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), Aksyon Demokratiko, at National Unity Party (NUP).

Samantala, ang anim na major local parties naman ay ang Kusog Baryohonan (KB) para sa Davao del Norte, United Negros Alliance (UNEGA) para sa Negros Occidental, Partido Abe Kapampangan (PAK) para sa San Jose del Monte City, Achievement with Integrity Movement (AIM) para sa General Santos City, at Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran (KABAKA) para naman sa National Capital Region (NCR).

Kabilang sa mga ginawang basehan ng COMELEC sa pagtukoy ng major parties ang mga performance records ng mga partido sa mga nagdaang halalan, dami ng mga naka-upong opisyal, kakayahan na magbigay ng kumpletong listahan ng mga kandidato mula sa local hanggang national positions.

May karapatan ang mga nasabing major national parties na makuha ang ika-siyam hanggang ika-labinganim na kopya ng election returns (ERs) sa bawat presinto, pati na rin ng mga Certificates of Canvass (COCs).

Papayagan rin silang magtalaga ng mga poll watchers sa mga presinto at canvassing centers sa halalan.

Ang mga major local parties naman ay makakakuha ng ika-labingsiyam hanggang ika-dalawampung kopya ng ERs at COCs sa kani-kanilang mga probinsya, lungsod o rehiyon.

Samantala, una naman nang inanunsyo ng COMELEC na ang Liberal Party (LP) ang dominant majority party, habang ang United Nationalist Alliance (UNA) naman ang dominant minority party.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.