20 dayuhan, sabit sa $81-M Bangladesh bank cybertheft
Aabot sa 20 mga dayuhan ang tinututukan ng mga imbestigador ng bansang Bangladesh dahil sa posibleng pagkakasangkot ng mga ito sa big-time 81 milyong dolyar na cyber hacking ng kanilang central bank.
Matatandaang napasok ng mga hackers ang account ng Bangladesh central Bank sa Federal Reserve Bank of New York noong February at nailipat ito sa mga account sa Pilipinas at Sri Lanka kung saan ito na-withdraw.
Isinasangkot din sa naturang cybertheft ang RCBC at ilang mga opisyal nito, mga casino at ilang negosyante kabilang na ang junket operator na si Kim Wong.
Ayon sa kanilang lead investigator na si Shah Alam, may konkreto na silang ebidensyang hawak na sangkot ang mga hindi pinangalanang personalidad sa krimen.
Dahil sa mga nadiskubreng impormasyon, hihingi na ng tulong sa Interpol sap ag-asang matutunton at maaresto ang mga suspek sa lalong madaling panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.