Pilipinas nakakuha ng 8.2 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19

By Chona Yu May 26, 2021 - 07:51 AM

Umabot na sa 8.2 milyong doses ng bakuna ang dumating sa bansa..

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay base sa datos ng National COVID-19  Vaccination Operation Center.

Ayon kay Roque, sa naturang bilang, 4.3 milyon na ang nagamit at naiturok na.

Sa panig ni National Task Force Deputy Chief Implementer Vince Dizon na sa 4.3 milyon na nabakunahan, nasa 3.3 milyon ang nabigyan ng first dose habang isang milyon ang fully vaccinated na o nabigyan ng second dose.

Ibinida ni Dizon na mas malaki at malawak na ang ginagawang pagbabakuna ngayon ng pamahalaan dahil tumataas na ang bilang ng mga bakuna na nakukuha ng Pilipinas.

Inihalimbawa ni Dizon na dati ay nasa 5,000 lamang ang average ng pagbabakuna kada araw. Pero ngayon, nasa 166,000 ang average na pagbabakuna kada araw.

Kabilang sa mga bakuna na nakuha ng Pilipinas ang Sinovac ng China, Pfizer ng Amerika, AstraZeneca at Sputnik V ng Russia.

 

TAGS: covid 19 vaccine, covid 19 vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.