700 BI personnel, nakatanggap na ng second dose ng Sinovac COVID-19 vaccine
Humigit-kumulang 700 empleyado ng Bureau of Immigration (BI) ang nakatanggap na ng second dose ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac Biotech Ltd.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, naturukan ng second dose ng bakuna ang 700 BI personnel sa main building ng ahensya sa Intramuros, Manila nitong nagdaang weekend.
“Now they have gotten their second dose, our frontliners are now more confident of rendering efficient service to the public with less anxiety of getting infected by the virus,” pahayag ni Morente.
Kahit nakumpleto na ang pagpapabakuna, ipinaalala pa rin ang pagsunod sa minimum health protocols, tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, sa gitna ng duty.
“Our personnel assigned at the airports and seaports, as well as those manning our different offices nationwide, are highly exposed as the nature of their jobs demands that they come face to face with hundreds of people, be they international travelers or visa applicants, who avail of our services,” dagdag nito.
Kabilang ang mga nakakumpleto na ng bakuna sa halos 1,300 BI personnel na tumanggap ng unang dose ng Sinovac vaccine noong April 24 hanggang 25 at May 1 hanggang 2.
Ayon naman kay BI COVID-19 Task Force Chair at Deputy Commissioner Aldwin Alegre, nakatakdang maturukan ng second dose ang nalalabi pang empleyado sa susunod na weekend.
Sa ngayon, mayroon pang 700 hanggang 800 na empleyado ng ahensya na nakatalaga sa paliparan at BI offices sa Metro Manila na hindi pa nababakunahan.
Sinabi ni Alegre na ipinag-utos naman sa mga pinuno ng iba’t ibang field offices at subports sa labas ng Metro Manila na makipag-ugnayan sa kani-kanilang local government units (LGUs) upang mabakunahan ang kanilang mga tauhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.