DOST pag-aaralan ang mga epekto ng COVID-19 vaccines sa ‘fully vaccinated’ Pinoys
Inanunsiyo ng Department of Science and Technology (DOST) na pag-aaralan ang mga epekto ng COVID-19 vaccines sa mga nakatanggap na ng kanilng second dose ng bakuna.
Sinabi ni DOST Usec. Rowena Guevara na ang research study ay maaring simulan sa susunod na buwan at ito ay kailangan pang aprubahan pa ng Food and Drug Administration (FDA).
Paliwanag niya, layon ng gagawing pag-aaral na masuri ang mga epekto ng bakuna sa mga Filipino bilang isang lahi at ang itatagal ng bisa nito.
“Ang gagawin nila, habang nagva-vaccinate yung ating DOH, pipili tayo ng mga participants doon na susundan natin kung ano yung nangyayari sa kanila after the vaccination for about a year or so,” dagdag pa ni Guevara.
Balak na isagawa ang research sa may 1,000 nabakunahan at P100 milyon ang inilaan para isagawa ito.
Sa ngayon, nakapagturok na sa bansa ng mga bakuna ng Pfizer-BioNTech, Sinovac, AstraZeneca, at Gamaleya at posible rin na ipagamit na sa rin sa bansa ang Moderna, Janssen at Covaxin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.