“Karahasan sa mga kababaihan hindi katanggap-tanggap” – Australian envoy
Nakiisa na rin si Australian Ambassador to the Philippines Amanda Gorely sa mga bumabatikos hingil sa naging pahayag ni Davao City Rodrigo Duterte sa kaso ng Australian missionary na ginahasa at pinatay sa loob ng kulungan sa Davao City noong 1989.
Sa kanyang twitter post ay sinabi ni Gorely ang mga katagang “Violence against women and girls is unacceptable anytime, anywhere”.
Nauna dito ay inulan ng batikos si Duterte tungkol sa kanyang naging kwensto sa isang political sortie kung saan ay kanyang sinabi na dapat ay nauna ang Mayor sa panggagahasa sa namatay na biktima.
Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Duterte na nabanggit niya ang nasabing mga pananalita dahil sa matinding galit noong mga panahong iyun.
May kaugnayan ang pahayag sa sinapit ng misyonaryong si Jacquelline Hamill na biktima ng gang-rape at pinatay sa loob ng Davao City Jail noong 1989.
Ipinagmalaki rin ni Duterte na siya ang nanguna sa pag-assault sa mga gumawa ng panghahalay sa Australian missionary.
Nilinaw pa ni Duterte na isang uri lamang ng gutter words ang kanyang nabanggit na mga pananalita dahil sa matinding galit.
Gayunman ay tumanggi ang nasabing presidential candidate na humingi ng paumanhin sa kanyang sinabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.