Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, ipatutupad bukas

By Angellic Jordan May 24, 2021 - 02:28 PM

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad muli ng dagdag-bawas sa presyo sa ilang produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, Shell, at Seaoil, may dagdag na P0.25 sa kada litro ng diesel.

May taas ding P0.15 sa presyo ng gasoline ng Caltex, Petro Gazz, Shell at Seaoil habang walang paggalaw sa Cleanfuel.

Magkakaroon naman ng P0.15 na rollback sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil at Shell.

Magiging epektibo ang oil price adjustment ng Petro Gazz, Shell, at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga (May 25).

Dakong 4:01, Martes ng hapon naman magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Mauuna namang ipatupad ang oil price increase at rollback sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

TAGS: BUsiness, diesel price, gasoline price, Inquirer News, kerosene price, oil price adjustment May 25, Radyo Inquirer news, BUsiness, diesel price, gasoline price, Inquirer News, kerosene price, oil price adjustment May 25, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.