Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 167.53 milyon
Pumalo na sa 167.53 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 167,531,200 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 33,896,660 cases.
Sumunod na rito ang India na may 26,752,447 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 16,083,573 naman ang kaso sa Brazil habang 5,603,666 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Turkey – 5,186,487
– Russia – 5,001,505
– United Kingdom – 4,462,538
– Italy – 4,192,183
– Germany – 3,654,201
– Spain – 3,636,453
– Argentina – 3,539,484
– Colombia – 3,232,456
– Poland – 2,865,622
– Iran – 2,832,518
– Mexico – 2,396,604
– Ukraine – 2,182,521
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 3,478,418 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 148,603,876 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.