Pagdami ng mga starfish sa Batangas na pumapatay sa mga coral gardens ikinabahala
Ikinaalarma ng Community Environment and Resources Office(CENRO) ng San Luis, Batangas, lokal na pamahalaan at Philippine Coast Guard ang nadiskubreng pagdami ng isang uri ng star fish na sumisira sa kanilang coral gardens.
Ayon sa CENRO, kung patuloy na dadami ang mga crown of thorns na itinuturing na mga coral predators hindi malayong maapektuhan ang food security.
Apektado kasi nito ang ang pagdami ng mga isda sa kanilang lugar.
Matapos na madiskubre ang pagdami ng mga crown of thorns ngayong panahon ng pandemya hindi nagsayang ng panahon ang DENR-CENRO, LGU at mga volunteer scuba divers sa pakikipagtulungan ng Starboard Dive Resort upang solusyunan ang dumaraming mga crown of thorns.
Sinabi ni Morpheus Gorobat ng Starboard Dive Resort at siya ring tumatayong care taker ng San Luis Fish Sanctuary, mga syringe na may lamang suka (vinegar) ang kanilang itinurok sa daan-daang mga crown of thorns upang mapatay ang mga ito na sumisira sa mga corals na nagsisilbing itlugan at bahay ng mga isda.
Naobserbahan ang pagdami ng mga crown of thorns sa lugar na di kalayuan sa kanilang fish sanctuary.
Kasabay ng pagtuturok sa mga crown of thorns nagsagawa rinng coastal clean-up sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.