Phivolcs walang naitalang volcanic earthquake sa nakalipas na 24-oras sa Bulkang Taal; Alert Level 2 nakataas pa rin

By Erwin Aguilon May 23, 2021 - 09:36 AM

 

Walang anumang volcanic earthquake na naitala ang Phivolcs sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 na oras.

Nagpapatuloy naman ang low-level background tremors na unang naitala noong April 8 ng kasalukuyang ktaon.

Ayon sa Phivolcs, patuloy rin ang pagtaas ng hot volcanic fluids sa main crater nito na lumilikha ng plumes.

Nakapagtala ang ahensya ng 1.5 kilometrong pagtaas ng plumes patungo sa north-nortwest na direksyon.

Nakapagtala rin ng 2,822 na toneladang pagbuga ng sulfur dioxide kada, kahapon.

Nasa 71.8 degrees Celsius na init sa main crater ng Bulkang Taal.

Nagpapatuloy pa rin naman ang pamamaga ng bulkan na nagsimula sa pagsabog nito noong Enero ng nakalipas na taon.

Dahil dito, sinabi ng ahensya na nagpapakita lamang ang kanilang mga obserbasyon na patuloy ang paggalaw ng magma sa ilalim ng bulkan.

Pinaaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na sa ilalim ng  Alert Level 2, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa volcano island na idineklara ng Permanent Danger Zone.

Pinaiiwas din ng Phivolcs ang mga piloto na lumipad malapit sa bulkan dahil sa pinangangambahang pagsabog nito na maaring magdulot ng pinsala sa anumang sasakyang panghimpapawid.

 

 

TAGS: Alert Level 2, Batangas, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Taal Volcona, Alert Level 2, Batangas, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Taal Volcona

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.