Mga Anti-Martial Law group, suportado ang kandidatura ni Sen. Bongbong Marcos

By Jong Manlapaz April 18, 2016 - 12:34 PM

ferdinand-bongbong-marcos2-jrNagpaabot ng pasasalamat si Vice Presidential candidate Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga anti-martial law group na nagpahayag ng pagsuporta sa kanyang kandidatura sa pagka bise presedente.

Naniniwala si Marcos na nagbubunga na ang kanyang kampanya ng pagkakaisa matapos na magpapakita ng suporta sa kanya ang mga grupong dating galit sa Martial Law sa rehimen ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Kabilang sa mga nagbigay suporta kay Marcos ang mga dating anti-Martial Law na sina Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos, Born-Again Bishop Butch Belgica, labor leader Terry Tuazon, at Cocofed Chairman Efren Villasenor.

Kasabay ng pagpapaabot ng suporta, nanawagan din ang grupo na kalimutan na ang nakaraan at tutukan ang kasalukuyan para sa kinabukasan ng bansa kasabay ng apela sa publiko na suportahan si Marcos bilang kandidato sa pangalawang pangulo ngayong halalan.

Ang pamilya Abalos ay kilalang kasama ng dating Pangulong Corazon Aquino sa Edsa People Power Revolution noong 1986.

Sa panig naman ni Tuazon inamin nito sa kabila ng masamang karanasan noong Martial Law matapos siyang makulong dahil sa paglaban sa gobyernong Marcos, natauhan umano siya matapos na makita ang pagkakaiba ng pamamahala ng dating pangulong Marcos sa mga limang presidente na sumunod sa kaniya.

Mas pro-labor at pro-workers aniya ang administrasyong Marcos, kaysa sa mga sumunod na administrasyon.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.