Iba’t ibang uri ng high-end drugs, nakuha ng PDEA sa Pasig condo

By Jan Escosio May 21, 2021 - 07:51 PM

PDEA photo

Hindi nabigo ang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa pagsisilbi ng search warrant sa isang high end condominium unit sa Pasig City.

Sinabi ni Dir. Derrick Carreon, ang tagapagsalita ng PDEA, nakuha nila sa unit ang 500 gramo ng kush, 250 gramo ng suspected cocaine, 100 piraso ng capsulized ecstasy, 75 ml ng suspected marijuana oil, isang pack ng Mogadon tablet, mga drug paraphernalia, isang cal. 38 na baril, at higit 100 piraso ng bala.

Bukod pa diyan ang mga magagamit na posibleng ebidensiya sa ilegal na aktibidad ng inarestong si Aureo Cabus Jr., alyas “Cabus”.

Isinilbi kay Cabus ang search warrant na inisyu ni Executive Judge Danilo Cruz ng Pasig City RTC Branch 152.

TAGS: Aureo Cabus Jr., ecstacy, Inquirer News, marijuana oil, PDEA operations, Radyo Inquirer news, Aureo Cabus Jr., ecstacy, Inquirer News, marijuana oil, PDEA operations, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.