Sen. Sonny Angara pinamamadali sa DepEd ang pagbibigay ng internet load sa mga guro

By Jan Escosio May 21, 2021 - 07:04 PM

Hiniling ni Senator Sonny Angara sa DepEd na bilisan ang pagbili at pamamahagi ng internet load sa mga pampublikong guro.

Diin ng senador matagal na dapat itong ginawa ng kagawaran sa katuwiran na nakapaloob ito sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 na matagal na nilang naipasa, gayundin sa 2021 General Appropriations Act.

Binanggit pa ni Angara na sa Bayanihan 2, kabuuang P4 bilyon ang inilaan sa DepEd sa pagkasa ng blended learning system, kasama na dito ang online learning at maaring dito mahugot ang pambili ng internet load para sa public school teachers.

Ngunit puna ng senador hanggang nitong Mayo 7, P32 milyon pa lang o 1.28 porsiyento ng inilaang pondo ang naipalabas.

“Ang dami na natin nabalitaan tungkol sa mga guro na nahihirapan na sa kanilang budget dahil sila pa ang gumagastos para sa kanilang mga load. Dapat na mabigay na agad sa kanila ang load para sa data lalo na’t matagal na naman nandiyan ang budget para dito,” diin niya.

Dagdag pa ni Angara, may nailaan din sa Bayanihan 2 na P300 milyon sa DepEd para sa subsidiya at allowances ng mga kuwalipikadong estudyante ngunit hanggang noon din Mayo 7 ay wala pang naipamahagi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.