High-value drug suspect, timbog matapos mahulihan ng P2.9-M halaga ng shabu sa Cebu
Arestado ang isang high value drug personality sa ikinasang joint PNP-PDEA anti-illegal drugs operation sa Cebu, araw ng Huwebes (May 20).
Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, nahuli ng mga awtoridad si Johnrey Gelbolingo Jabagat alyas ‘John,’ 30-anyos, sa bahagi ng Sitio Tinabangay, Alaska-Mambaling.
Kabilang si Jabagat sa listahan ng mga itinuturing na High Value Individual (HVI) sa Cebu.
Nakumpiska kay Jabagat ang 430 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,924,000.
Maliban dito, nakuha rin ng mga awtoridad ang iba pang ebidensya; isang sling bag, ilang pack na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy-bust money, at isang cal. 45 pistol na kargado ng apat na bala.
Si Jabagat at ang mga nakuhang ebidensya ay nasa kustodya ng mga awtoridad.
Mahaharapa si Jabagat sa kasong paglabag sa Section 5 na may kinalaman sa Sec 26(b) Sec 15, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.