Sen. JV Ejercito, naghain ng not guilty plea sa kasong graft sa Sandiganbayan
Binasahan na ng saklda ng Sandiganbayan 5th division si Senator Joseph Victor “JV” Ejercito sa kinakaharap niyang kasong graft.
Personal na nagtungo sa anti-graft court ang senador para humarap sa arraignment.
Not guilty plea naman ang inihain ni Ejercito para sa nasabing kaso.
Matatandaan na noon lamang nakaraang linggo ay naglagak si Ejercito ng P30,000 piyansa matapos na ipag-utos ng korte ang pagdakip sa kaniya.
Bukod kay Ejercito, ipina-aaresto rin ng Sandiganbayan 5th Division ang lima pang dating opisyal ng lungsod ng San Juan na sina dating City Administrator Ranulfo Dacalos, treasurer Rosalinda Marasigan, City Attorney Romualdo Delos Santos, City Budget Officer Lorenza Ching at City Engineer Danilo Mercado.
Nag-ugat ang kaso sa pagbili ng lokal na pamahalaan ng San Juan ng high-powered firearms sa kabila ng kawalan ng public bidding noong 2008 kung saan si Ejercito pa ang alkalde.
Sa calamity fund din umano hinugot ang perang ginamit para ipambili ng mga armas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.