Dating Gov. ER Ejercito, pinaaaresto ng Sandiganbayan

By Ricky Brozas April 18, 2016 - 11:10 AM

ER-ejercitoIpinag-utos ng Sandiganbayan 4th division ang pag-aresto kay dating Laguna Governor Emilio Ramon “ER” Ejercito.

Ito ay matapos na mabigo si Ejercito na humarap ngayong araw sa korte para sa nakatakda sanang pagbasa sa kaniya ng sakdal.

Kahit nagpakita ng medical certificate ang abogado ni Ejercito, hindi ito tinanggap ng mga mahistrado ng Sandiganbayan 4th division at ipinag-utos ang pag-iisyu ng arrest warrant laban sa dating gobernador.

Si Ejercito ay nahaharap sa kasong graft dahil sa maanomalyang pagpasok sa isang insurance deal noong taong 2008, noong siya ay alkalde pa sa Pagsanjan, Laguna.

Nagkaroon umano ng ‘gross inexcusable negligence’ sa panig ni Ejercito at walong iba pang local officials ng Pagsanjan nang pumasok sila sa kasunduan sa First Rapids Care Ventures (FRCV) nang walang isinasagawang public bidding.

Layon ng pinasok na insurance deal na maglaan ng “accident protection” at “financial assistance” sa mga turista at boatmen na dumadaan sa Pagsanjan Gorge Tourist Zone.

Maliban kay Ejercito, kasama din sa kaso si dating Pagsanjan Vice Mayor Crisostomo Vilar at mga dating konsehal na sina Arlyn Lazaro-Torres, Terryl Gamit-Talabong, Kalahi Rabago, Erwin Sacluti, Gener Dimaranan at Ronaldo Sablan.

Pinangalanan din bilang respondent sa kaso ang mga pribadong Indibiduwal na si Marilyn Bruel owner at proprietor ng FRCV.

 

TAGS: Sandiganbayan orders arrest of former Governor ER Ejercito, Sandiganbayan orders arrest of former Governor ER Ejercito

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.