Nakakatakot magkaroon ng “Lumpen President” gaya ni Duterte-Casiple

By Dona Dominguez-Cargullo April 18, 2016 - 09:15 AM

duterte2Malaki ang epekto sa kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ng kaniyang naging “rape joke: na naging kontrobersyal at binabatikos ngayon sa social media maging ng kaniyang mga kalaban sa eleksyon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ng political analyst na si Prof. Ramon Casiple na ang nasabing pahayag ni Durterte ay makaka-apekto sa pananaw ng kaniyang supporters lalo na ang mga bago pa lamang na sumusporta sa kaniya.

Ani Casiple, malapit sa pamilya ang usapin ng ‘rape’ kaya tiyak na tatamaan nito ang kandidatura ng alkalde.

“Mababawasan ang attraction niya sa mga bagong nakakakilala sa kanila. Sa Mindanao, na kilala na siya dati pa baka mapalampas iyan,” sinabi ni Casiple.

Tinawag din ni Casiple na ‘lenggwaheng lumpen’ ang istilo ng pananalita ni Duterte.

Ayon kay Casiple, kahit sino ay matatakot na magkaroon ng ‘lumpen’ na presidente.

“Iyang salita niya na iyon, parang usapang ‘lumpen’ iyan eh. Matakot ka talaga magkaroon ka ng ‘lumpen’ na presidente, lenggwaheng lumpen ang lenggwahe niya (Duterte),” ayon pa kay Casiple.

Inilarawan ni Casiple ang ‘lenggwaheng lumpen’ bilang,” lenggwaheng kriminal’ o “lenggwaheng tambay”.

Naniniwala naman si Casiple na si Senator Grace Poe ang higit na makikinabang sa mababawas na suporta kay Duterte dahil sa nasabing isyu.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.