Mga guro, DepEd personnel hinikayat na magparehistro na para sa COVID-19 vaccine

By Jan Escosio May 21, 2021 - 08:45 AM

Pinagbilinan na ng DepEd ang kanilang mga kawani na magpa-rehistro na sa kani-kanilang lokal na pamahalaan para sa pagpapabakuna ng COVID-19 vaccines.

 

Ayon kay Education Undersecretary  Annalyn Sevilla, ito naman ay paghahanda na kapag maari nang magpabakuna ang kanilang mga kawani base sa vaccine priority list ng gobyerno.

 

Ibinahagi nito na ang kanilang mga guro ay napabilang na sa ‘essential workers’ at mula sa B1 ay umangat na sila sa A4 category.

 

“Mag-apply po kayo, pumunta po kayo sa inyong mga LGUs, mayroon pong mga online application o iyong iba po ay may ibang pamamaraan, may umiikot or through your barangay or municipal city government ay makipag-ugnayan po kayo,” bilin ni Sevilla at aniya kinakailangan lang ang DepEd ID sa pagpapa-rehistro.

 

Paglilinaw lang ng opisyal, depende pa rin sa bilang ng bakuna na matatanggap ng LGU ang bilis sa pagpapabakuna sa kanilang mga kawani.

 

Sa ibinahagi na datos ng DepEd, ang kagawaran ay may 986,852 authorized positions at sa bilang 862,108 ang mga guro; 62,465 ang teacher’s aide, samantalang 62,279 naman ang non-teaching personnel.

 

At sa kabuuang bilang ng kanilang mga kawani, 51 porsiyento ang nasa edad 20 – 39; binubuo naman ng nasa edad 40 – 59 ang 45 porsiyento samantalang may apat na porsiyento ang ‘senior citizens’ na.

 

TAGS: COVID-19, deped, Education Undersecretary  Annalyn Sevilla, vaccine, COVID-19, deped, Education Undersecretary  Annalyn Sevilla, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.