P6M natangay sa mga empleyado ng bangko sa Maynila

By Erwin Aguilon April 18, 2016 - 07:01 AM

Robbery Holdup sa Maynila / Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Tinatayang aabot sa P6 na milyon halaga ng salapi ang natangay matapos holdapin ang mga tauhan ng Bank of the Philippine Islands (BPI) sa Taft Avenue panulukan ng Remedios St., sa Maynila.

Magkakarga sana ng pera sa ATM ang tatlong tauhan ng BPI sa nabanggit na branch ng bangko kaninang pasado alas 2:00 ng madaling araw.

Pero pagbaba sa armored van ay nilapitan sila ng dalawang suspek na armado ng matataas na kalibre ng baril na lulan ng isang L-300 Van.

Tinutukakn sila ng baril at sinabayan ng mga suspek papasok ng bangko at saka tinangay na ang mga perang dala.

Mabilis na nakatakas ang dalawang suspek tangay ang nasabing halaga ng pera.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa insidente at tinitingnan na rin ang kuha ng CCTV camera ng bangko at mga katabing establisyimento.

Matapos ang insidente ay nagkulong sa loob ng armored car ang mga tauhan ng bangko at hindi agad nakipag-ugnayan sa mga pulis.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.