Nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na walang ipinatutupad na deployment ban para sa mga Filipino na nais mag-trabaho sa Israel.
Aniya patuloy ang pagproseso ng mga kuwalipikado ng makapagtrabaho sa Israel at dagdag pa niya, ang sinuspinde lang nila ay ang pagpapa-alis dahil matindi pa rin ang tensyon sa nabanggit na bansa.
Pakiusap na rin ng kalihim sa mga paalis ng caregivers at health care workers na ipagpaliban muna ng ilang araw ang kanilang pag-alis para hindi sila malagay sa panganib.
”Sagutin ko po sila kay Pangulong Duterte kung ano man ang mangyari sa kanila in case sila ay umalis sa kabila ng mataas na tension doon sa Israel,” sabi ni Bello.
Diin niya maaantala lang ng ilang araw ang pag-alis ng mga Filino patungo sa Israel dahil sa kagustuhan ng gobyerno na magiging ligtas sila sa pag-alis nila ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.