Mga barangay sa Maynila, inatasan na alalayan ang mga senior at may comorbidities sa pagpaparehistro para sa COVID-19 vaccine

By Chona Yu May 20, 2021 - 02:23 PM

Inatasan ni Manila Barangay Bureau Director Romeo Bagay ang 896 na barangays sa lungsod na alalayan ang lahat ng senior citizens at persons with comorbidities sa pagpaparehistro para sa COVID-19 vaccine.

Sa memorandum ni Bagay, partikular na pinapatutukan sa mga opisyal ng barangay ang mga senior citizen at PWD na walang sapat na kaalaman sa paggamit ng teknolohiya at mga gadget.

May senior citizens at PWD aniya ang hindi nababakunahan dahil hindi pa nakapagpaparehistro sa vaccination program.

“In view of this, all Punong Barangays are being advised to mobilized their respective Barangay Council and SK Council to facilitate in the registration of our unfortunate constituents who are willing to avail this much needed free COVID-19 vaccine,” pahayag ni Bagay.

Matatandaang nagsasagawa rin ang lungsod ng Maynila ng home service vaccination para sa mga matatanda at mga may kapansanan na hindi na kayang magtungo sa vaccination sites.

TAGS: Inquirer News, Manila LGU, Radyo Inquirer news, Inquirer News, Manila LGU, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.